I
Siya ang lumikha
Ng ating tinitirhan
Nilikha niya ito
Pagkat mahal niya tayo
Siya din ang maylikha
Ng ating kapaligiran
Upang makapagsimula
Ng panibagong buhay
Refrain:
Kaya naman magmula noon
Hanggang ngayon
Tayo’y patuloy na namumuhay
At dumadami pa
Hinding-hindi matatawaran
Pagkat napakabuti niya
Chorus:
O diyos ko amang makapangyarihan
sa’ting lahat
Ang aming pasasalamat ay walang
hanggan
Bakit ba nagawa mo pang lalangin ang
sinuman
Ibang-iba ka panginoon
dahil sa aming lahat
Dakila ka
II
Siya ang maylikha
Sa lahat ng nilalang
Pati sa Katubigan
siya din ang maylalang
Siya ang maylikha
Sa lahat ng tanglaw
tanglaw na nagbibigay
Liwanag sa buhay
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento