I
Nag-iisa
Iyan ang madalas kong gawin
Umiiyak
Kapag may naramdaman akong sakit
Nagwawala
Upang ihayag nitong damdamin
Gulong-gulo ang aking isipan
Hindi alam ang aking magagawa
Mawawala na ang aking katinuan
Hinang-hina na ang aking katawan
Refrain:
Ngunit may isang taong nagpakilala
Ang kalooban niya ay saksakan ng
kabanalan
Hindi ko inakalang siya ang aking
kadamay
Kapag ako ay labis na nagdurusa
Sinabi niyang gusto akong maging
kaibigan
Pumayag naman ako pagkat ako’y
nalulumbay
Chorus:
Salamat aking kaibigan
Tunay kang maasahan
Kay dilim ng buhay
Ginawa mong makulay
Tanging hangad mo kaibigan
Ako ay mapasaya
Problemang di matapos-tapos
Ikaw ang nagwakas
Dinamayan mo ko
Karamay kita
Ikaw at ako’y hindi mawawalay
II
Pinatigas
Ang pusong sinubok ng sakit
Pinarupok
Ang tibay at lakas ng loob
Binago
Ang dating maayos kong pamumuhay
Walang mukha akong maiharap sa iba
Pagkat ako ngayon ay nahihiya
Lahat sila ay kinamumuhian ako
Wala naman akong ginawang kasalanan
Bridge:
Siguro nga
Ikaw na nga
Ikaw ang aking masandalan
Kahit kailan
Saan pa man
ikaw ang maasahan
Taong handang samahan ako
Kahit alam mong tungkol sa’kin
Hindi mo magawa ang katakutan ako
ooohhhh!
(Chorus)
(Chorus)
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento