Linggo, Enero 19, 2014

Siya ang may likha



I
Siya ang lumikha
Ng ating tinitirhan
Nilikha niya ito
Pagkat mahal niya tayo

Siya din ang maylikha
Ng ating kapaligiran
Upang makapagsimula
Ng panibagong buhay

Refrain:
Kaya naman magmula noon
Hanggang ngayon
Tayo’y patuloy na namumuhay
At dumadami pa
Hinding-hindi matatawaran
Pagkat napakabuti niya

Chorus:
O diyos ko amang makapangyarihan sa’ting lahat
Ang aming pasasalamat ay walang hanggan
Bakit ba nagawa mo pang lalangin ang sinuman
Ibang-iba ka panginoon
dahil sa aming lahat
Dakila ka

II
Siya ang maylikha
Sa lahat ng nilalang
Pati sa Katubigan
siya din ang maylalang

Siya ang maylikha
Sa lahat ng tanglaw
tanglaw na nagbibigay
Liwanag sa buhay

Nandito ka lang



I
Simula ng tayo'y mga bata
Hanggang sa ating pagtanda
Ikaw lamang laman nitong isipan
Pati puso ko'y binihag mo na

II
Lakas loob kong inamin
Na mahal na mahal kita
hindi ko akalin
Mahal mo rin pala ako

III
Hanggang sa tayo'y magnobya
Abot langit akit ngiti
Pagkat bang puso mo'y napasakin

Refrain:
Subalit may tutol sa ating dalawa
Mali raw magmahal sa isang katulad ko
Ayaw nilang tanggapin na tayo'y sa isa't isa

Anumang tibay ng ating pag-iibigan
Kung pilit man tayong pinaghihiwalay
Hanggang ang landas natin ay mag-iba

Chorus:
Naghihintay lamang
sa iyong pagbabalik

Umaasa lamang
Na ika'y muli kong kapiling

Dinadalangin sa maykapal
Na tayo'y magkikitang muli

Hindi magbabago
Ang pagtingin ko sayo

Ang pagmamahal kong ito
Kailanman hindi maglalaho

Basta't para sa'kin
Nandito ka lang (2x)

IV
Hindi ko maiwasang ang malungkot
Parang napakadilim ng buhay ko
Ikaw parati ang hinahanap ng puso
Hindi ko kayang wala ka sa piling ko

V
Walang kasing sakit aking nadarama
Pagkat di ko mawaglit ang masaklap na naranasan
Kahit sa panaginip man lang
nakikiusap na magpakita ka
Kuntento na ko kapag muli kang masilayan
Hinihiling na sana'y katabi at kayakap
Sa muli kong pagmulat

(Chorus)

Bridge:
Lumipas man ang maraming taon
Pagmamahal na wagas di patatalo
Walang sinumang maaring pumalit sayo
Dahil ikaw lamang ang mahal ko

Manalig ka, Magtiwala ka



I
Kapag may dinaramdam kang problema
Araw araw na lang nakikita ka
Di maalis ang lungkot sayong pagmumukha
At minsan ay may luhang napatak sayong mata

Para bang gusto mo nang sumuko
Bakit ba di ka na interesado
Sa buhay na pinagkaloob ng ating maykapal
Alalahaning mabuti buhay ay biyaya

Refrain:
Anumang pagsubok haharapin
Huwag na huwag Kang bibitiw
Lakas ng loob ay iyong gagamitin
Basta’t ipagsigawan mo
Kakayanin mo ito
Patuloy kang lumaban
Pagsubok ay iyong malalampasan

Chorus:
Manalig ka sa maykapal na lumikha
Idalangin mo sa kanya ang ‘yong pangangailangan
Taas noo mong buksan ang puso at isipan
Papasukin siya at tanggapin ng may kagaanan

Tutulungan ka niya
Hinding-hindi ka niya pababayaan
Siya ang ‘yong kaibigan
Matiwala ka lang
sa kanya

II
Tila yata lalo pang bumigat
Nakita kang gulong-gulo ang isipan
Mukhang tatakasan ka ng iyong katinuan
Di mo masabi ang sakit na nagpapahirap sayong kalooban

Tinutukso ka na nilang baliw
kung ano-ano na raw ang ‘yong nasasabi
Nasasabing ikaw daw ang anghel sa lupa
Di sila naniniwala
Pinagtatawanan ka lang

Kaibigan



I
Nag-iisa
Iyan ang madalas kong gawin
Umiiyak
Kapag may naramdaman akong sakit
Nagwawala
Upang ihayag nitong damdamin

Gulong-gulo ang aking isipan
Hindi alam ang aking magagawa
Mawawala na ang aking katinuan
Hinang-hina na ang aking katawan

Refrain:
Ngunit may isang taong nagpakilala
Ang kalooban niya ay saksakan ng kabanalan
Hindi ko inakalang siya ang aking kadamay
Kapag ako ay labis na nagdurusa
Sinabi niyang gusto akong maging kaibigan
Pumayag naman ako pagkat ako’y nalulumbay

Chorus:
Salamat aking kaibigan
Tunay kang maasahan
Kay dilim ng buhay
Ginawa mong makulay

Tanging hangad mo kaibigan
Ako ay mapasaya
Problemang di matapos-tapos
Ikaw ang nagwakas

Dinamayan mo ko
Karamay kita
Ikaw at ako’y  hindi mawawalay

II
Pinatigas
Ang pusong sinubok ng sakit
Pinarupok
Ang tibay at lakas ng loob
Binago
Ang dating maayos kong pamumuhay

Walang mukha akong maiharap sa iba
Pagkat ako ngayon ay nahihiya
Lahat sila ay kinamumuhian ako
Wala naman akong ginawang kasalanan

Bridge:
Siguro nga
Ikaw na nga
Ikaw ang aking masandalan

Kahit kailan
Saan pa man
ikaw ang maasahan

Taong handang samahan ako
Kahit alam mong tungkol sa’kin
Hindi mo magawa ang katakutan ako
ooohhhh!

(Chorus)