Linggo, Enero 19, 2014

Kailan pa man



I
Simula ng tayo’y magkakilala
Ibang iba na ang aking nadarama
Ano bang meron sayo
Bakit ba ako nagkakaganito

Refrain:
Ang pagmamahal ko sayo
Kailanman di magbabago
Ngunit ang buhay kong ito
Ikaw ang nagpabago

Chorus:
Handang-handa na ako
Iaalay sayo
Ang tumitibok na puso
Pagkat ikaw lamang sinta
Ang aking nililiyag

Hinding-hindi kita iiwanan
Kahit ano pang sabihin nila
Sa hirap at ginhawa
Magkasama tayo
Kailan pa man

II
Ng muli tayong magkita
Ang damdamin ko’y di maawat sa tuwa
Sana’y dito ka na lang sa tabi ko
Para araw ko laging kumpleto

(Repeat Refrain, Chorus Then Bridge)

Bridge:
Hinding-hindi susuko
Sa pagmamahal ko sayo
Ipaglalaban kita
Darating din ang araw
Na tayo’y matatanggap
Para sa isa’t isa

(Repeat chorus)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento