Linggo, Enero 19, 2014

Araw at Gabi



I
Palagi kitang iniisip
Ako sayo’y baliw na baliw
Palagi kitang nararamdaman
Ako sayo’y patay na patay
Palagi akong napapangiti
Kapag matamis mong boses naririnig
Palaging araw ko’y Kumpleto
Kapag ikaw ay kasalo

Refrain:
Parang puso ko’y gustong sumabog
Hinuhudyat na sabihin sayo
Ang tunay nilalaman nitong puso
Subalit hindi ko magawa
At naduduwag pa

Chorus:
Gusto kong aminin sayo

Araw at gabi
Ikaw lamang ang laman nitong damdamin
Pinapangarap ko’y ikaw maging akin

Kahit sinuman
Umibig sa akin
Ikaw pa rin ang karapatdapat sa akin

Ang aking puso
Patuloy na pumipintig sayo
Hindi ko mapigilan ang pagtibok nito

Kahit ilang taon
Ang dumaan sa’tin

Ang pagtingin ko’y
Hindi magbabago
Mahal na mahal kita

II
Sa tuwing ika’y masilayan
Di maawat ang aking tuwa
Sa tuwing ika’y lumalapit
Di maawat ang aking kilig
Sa tuwing ika’y Kapiling
Abot kamay na ang aking hiling
Sa tuwing ika’y kausap
Ang boses ko ay pautal-utal

Refrain 2:
Para bang hinahatak palapit sayo
Hindi mapigilang tumitig sayo
Bakit ba ako pa ang ‘yong napili
Na ang puso ko’y nagawa mong bihagin

(Repeat chorus then Bridge)

Bridge:
Hindi ko magawa ang limutin ka
Ikaw lamang sumasagi sa isip ko
Bakit tanging sayo ako nagkakaganito
Ang makaramdam ng kakaiba sayo
Subalit nag-aalinlangan sabihin sayo
Hindi ko na kaya ang maglihim pa sayo

(Repeat Chorus)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento