Linggo, Enero 19, 2014

Nandito ka lang



I
Simula ng tayo'y mga bata
Hanggang sa ating pagtanda
Ikaw lamang laman nitong isipan
Pati puso ko'y binihag mo na

II
Lakas loob kong inamin
Na mahal na mahal kita
hindi ko akalin
Mahal mo rin pala ako

III
Hanggang sa tayo'y magnobya
Abot langit akit ngiti
Pagkat bang puso mo'y napasakin

Refrain:
Subalit may tutol sa ating dalawa
Mali raw magmahal sa isang katulad ko
Ayaw nilang tanggapin na tayo'y sa isa't isa

Anumang tibay ng ating pag-iibigan
Kung pilit man tayong pinaghihiwalay
Hanggang ang landas natin ay mag-iba

Chorus:
Naghihintay lamang
sa iyong pagbabalik

Umaasa lamang
Na ika'y muli kong kapiling

Dinadalangin sa maykapal
Na tayo'y magkikitang muli

Hindi magbabago
Ang pagtingin ko sayo

Ang pagmamahal kong ito
Kailanman hindi maglalaho

Basta't para sa'kin
Nandito ka lang (2x)

IV
Hindi ko maiwasang ang malungkot
Parang napakadilim ng buhay ko
Ikaw parati ang hinahanap ng puso
Hindi ko kayang wala ka sa piling ko

V
Walang kasing sakit aking nadarama
Pagkat di ko mawaglit ang masaklap na naranasan
Kahit sa panaginip man lang
nakikiusap na magpakita ka
Kuntento na ko kapag muli kang masilayan
Hinihiling na sana'y katabi at kayakap
Sa muli kong pagmulat

(Chorus)

Bridge:
Lumipas man ang maraming taon
Pagmamahal na wagas di patatalo
Walang sinumang maaring pumalit sayo
Dahil ikaw lamang ang mahal ko

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento