Linggo, Enero 19, 2014

Hindi Mababali



I
Sinabi mo sa akin
Ako lang ang siyang iibigin
Pinangako mo sa akin
Kailanman di mo ko ipagapapalit

Isinumpa mong harapan
ako lang gusto mong kapiling
Itinuring mo sa akin
Ako lang ang siyang iyong ligaya

Refrain:
Kahit lumipas man ang panahon
Di kukupas ang pagamamahal
Marami mang pagsubok
Heto pa rin tayo at magkasama

Chorus:
Marahil nga para tayo sa isa’t isa
Kapalaran mismo ang nagdidikta
Siguro nga kailangan nating magkaisa
Patungo sa magandang kinabukasan
nating dalawa
Kahit na maghirap ako sa piling mo
Makakaya’t matitiis
Gagawin ang lahat
Lalampasan ang mga hadlang
Wawasakin ang mga harang
Matinding problema’y di alintana
Upang sumpaan natin
Hindi mababali

II
Nagawa mo akong tulungan
Kahit hirap na hirap ka na
Binigyan mo ko ng buhay
Kapag ako’y sawing-sawi

Hikahos man tayo sa buhay
Nagawa mo pa rin tulungan kami
Pinaramdam mong di misirable
Pagkat ikaw ay responsable
Hindi ko pinagsisihan na ikaw ay aking kabiyak.

(Repeat Refrain and Chorus Then Bridge)

Bridge:
Kahit na mo maibigay
Ang maginhawang buhay
Basta’t para sa’kin
Tunay ang ‘yong pagmamahal
Wala na kong mahihiling pa
Kundi makasama ka

(Repeat Chorus)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento