Linggo, Enero 19, 2014

Crush lang kita



I
Hindi naman kita kakilala
Lalong lao na't hindi magkaibigan
Laging napapansin ang 'yong talento
Ang galing-galing mo naman sumayaw
Parang walang buto kung ika'y gumiling
Maging sa kantahan ika'y bumibirit
Daig mo pa ang sikat na singers

Refrain:
Ano bang mayroon sa iyo
Bakit mo ba ako ginanito
Puso kong sardo
Nagawa mong pagtripan
Kaya naman iyan at nahulog na
Bumubigay na yata ako sayo
Sinubukan kong pigilan ito
Pero patuloy ang pagtibok nito

Chorus:
Pamabihira ka naman pinagnanasaan na kita
Hindi ko alam kung bakit type na type kita
Maraming beses na sumasagi ka sa isipin ko
Ilang beses mo rin pinaglalaruan ang puso ko
Sa tuwing ika'y aking makikita
Hiyang-hiya magpakita sayo

Gumagaan ang loob ko pag kasama ka
Hindi ko mapigilang kiligin sayo
Batong-bato ako kapag wala ang presensiya mo
Hindi mo lang alam na sinusundan kita
Puso ko'y ikaw parati ang hinahanap
Pero huwag muna
Dahil crush lang kita

II
Ang kapalaran sadyang mapagbiro
Di ko akalaing tayo'y magtatagpo
Ngayong taon magkaklase pala tayo
Ang tahimik mo pala pero ika'y matalino
Kaya ang mga guro ikaw ang paborito
Sinasali ka nila sa sports
Hanga naman ako sayo
Dahil taob sila sayo
Labis mong inakit ang buo kong pagkatao
Dahil feeling ko lahat ng bagay ay nasa'yo

(Repeat Chorus 2x)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento